Gilas sisilatin ang New Zealand

Sina June Mar Fajardo, Chris Newsome, Japeth Aguilar at Justin Brownlee ang muling babandera sa Gilas Pilipinas.

MANILA, Philippines — Buo ang tiwala ni head coach Tim Cone na ka­yang makipagsaba­yan ng Gilas Pilipinas sa New Zealand at may tsansang makasilat sa pagbubukas ng second window ng 2025 FIBA Asia Cup Qua­lifiers sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Hindi pa nananalo ang Gilas sa New Zealand sa apat nilang paghaharap sa kahit anong FIBA compe­titions at pagkakataon na ito ng Nationals na ma­wakasan na ang pagka­gutom ngayong alas-7:30 ng gabi.

Pagkatapos ng New Zealand ay iho-host din ng Gilas ang Hong Kong sa Linggo sa parehong ve­nue.

Tabla ang Gilas at New Zealand sa tuktok ng Group B hawak ang pa­rehong 2-0 kartada su­balit may masasandalang homecourt advantage ang Gilas sa pangunguna nina naturalized player Justin Brownlee at 8-time PBA MVP June Mar Fajardo.

“I don’t think they’ve seen a team like the team we’re assembling before so I think we got a shot at beating them,” ani Cone matapos kaldagin ng Gilas ang Meralco, 96-82, sa tune-up game.

“We want to certainly protect our home court, and we want to show our­selves to the Gilas fans around the country. These are all very, very important to us so I really expect us to be ready and motivated to play.”

Huling naglaban ang Gilas at New Zealand no­ong 2022 FIBA Asia Cup kung saan yumukod ang Pinas, 75-92.

Subalit para kay Cone, ibang-iba na ang Natio­nals ngayon na pinagwa­gian ang Southeast Asian Games at Asian Games no­ong nakaraang taon bago talunin ang World No. 6 Latvia sa FIBA Olympic Qualifying Tour­nament.

Dagdag pa dito ang ba­gong sistema ng New Zealand sa ilalim ng ba­gong head coach na si Judd Flavell na kakatala­ga lamang noong Oktubre.

Show comments