PNVF excited na sa Men’s World tilt

MANILA, Philippines — Mararamdaman ng ba­wat athlete, coach, delegate at fan ang Filipino hospitality sa FIVB Men’s World Championship (MWCH) 2025 na idaraos sa susunod na taon sa Pilipinas.

Ipapakita ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) kung paano nito tanggapin ang mga delegadong darating sa bansa at kung gaano kamahal ng Pinoy fans ang volleyball.

“We can’t get enough of volleyball. The Philippines is a country that loves volleyball,” ani PNVF president Ramon “Tats” Suzara.

Dumalo si Suzara sa 39th FIVB World Congress na idinaos sa Porto, Portugal

Kamakailan lamang ay nahalal ito bilang pangulo ng Asian Volleyball Confederation.

Ipinakita ni Suzara sa mahigit 200 members ng world governing body sa pangunguna ni newly-elected FIVB president Fabio Azevedo at dating president Ary Graça ang preparasyong ginagawa ng Pilipinas para sa world meet.

Idaraos ito sa Setyembre 12 hanggang 28 sa SM Mall of Asia Arena at Smart Araneta Coliseum.

“The rest of the world do not know that yet that we love volleyball and that Filipino volleyball fans set the standard,” ani Suzara.

Ipinagmalaki ni Suzara ang matagumpay na pagtataguyod ng Volleyball Nations League sa loob ng tatlong sunod na taon.

“We scream and cheer louder than anyone else. We bring our love for the game in the arenas, online and wherever we go,” ani Suzara.

Sa VNL, kitang-kita ang pagmamahal ng Pinoy fans sa bawat team partikular na sa crowd-favorites Japan at USA.

Show comments