MANILA, Philippines — Pinakitaan ng husay ng Inspiring Journey ang kanyang mga tagahanga matapos ang walang kahirap-hirap na panalo sa 2-Year-Old Maiden Race na nilarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas noong Sabado ng hapon.
Humarurot agad sa unahan ang Inspiring Journey paglabas ng aparato at hindi nito pinadikit ang humahabol sa pangalawang puwesto na Easy Go Lucky.
Pagsapit sa far turn ay nanatili sa unahan ang Inspiring Journey na sinakyan ni star jockey Jeffril Tagulao Zarate, lamang ito ng halos tatlong kabayo sa humahabol pa rin na Easy Go Lucky habang malayong tersero ang Loboc River at pang-apat ang Daijobo Express.
Tinawid ng Inspiring Journey ang finish line ng may 10 kabayo ang agwat sa pumangalawang Easy Go Lucky, pangatlo ang Daijobo Express habang pang-apat ang Loboc River.