Suns pinalamig ng Thunder

OKLAHOMA CITY — Umiskor si Shai Gilgeous-Alexander ng 28 points para banderahan ang Thunder sa 99-83 pagpapalamig sa Phoenix Suns sa isang NBA Cup game.

Nagdagdag si Lu Dort ng 15 points para sa Oklahoma City (11-2) habang may 14 at 11 markers sina Jalen Williams at Isaiah Joe, ayon sa pagkakasunod.

Ito ang ikatlong sunod na panalo ng home team na wala si injured center Chet Holmgren (pelvic fracture).

Sa Sacramento, bumanat si Anthony Edwards ng 36 points at nalampasan ng Minnesota Timberwolves (7-6) ang iniskor na franchise-record 60 points ni De’Aaron Fox sa 130-126 overtime win sa Kings (7-6).

Sa San Francisco, tumipa si Buddy Hield ng 18 points sa 123-118 panalo ng Golden State Warriors (10-2) sa Memphis Grizzlies (7-6).

Show comments