Gilas pukpukan sa ensayo

Si coach Tim Cone kausap si Mason Amos sa ensayo ng Gilas Pilipinas.
SBP photo

MANILA, Philippines — Walang balak magpa­tumpik-tumpik si Gilas Pilipinas coach Tim Cone dahil ikakasa nito ang puk­pukang training camp sa Inspire Sports Aca­demy sa Calamba, La­guna.

Ito ang hangad ni Cone para mabilis na ma­kabuo ng solidong game plan ang kaniyang tropa para sa FIBA Asia Cup Qualifiers second window na hahataw sa Nobyembre 21 at 24 sa Mall of Asia Arena sa Pa­say City.

Hindi gaya ng dati, mi­nabuti ni Cone na huwag nang magkaroon ng public practice dahil nais nitong gamitin ang ba­wat minuto ng ensayo ng Gilas Pilipinas sa pukpu­kang ensayo.

Matinding laban ang haharapin ng Gilas Pili­pi­nas partikular na ang pag­sagupa nito sa New Zealand Tall Blacks sa Nobyembre 21.

“I don’t know if we’ll have the time to do something like we have in the past in Philsports in front of the fans because we only have five days of preparation this time,” ani Cone.

Maraming dapat ayu­sin ang Gilas Pilipinas lalo pa’t hindi makapag­la­laro si AJ Edu at na­nga­nganib din na hindi masilayan sa aksiyon si Kai Sotto.

Show comments