CSB kontra Ateneo sa battle for 5th

MANILA, Philippines — Pakay ng College of St. Benilde na idagdag ang Ate­­­neo de Manila University sa mga kinalos na teams mula sa UAAP sa battle for fifth place sa 2024 Shakey’s Super League collegiate pre-season championship sa Rizal Memorial Coliseum.

Tanging ang Blazers lamang ang NCAA team na nakapasok sa playoffs.

Unang kinaldag ng CSB ang Adamson University sa first round sunod ay ang pagwalis sa UP sa classification round opener noong Nobyembre 6.

“Lagi naman kaming may chance every game. Every game gusto lang namin na maging maayos ang game namin and lalaban lang kami as much as possible,” sabi ni Lady Blazers veteran winger Mycah Go.

Sasandalan ng reigning NCAA ‘three-peat’ champions sina Clydel Catarig, Zamantha Nolasco, Mary Grace Borromeo at Chenae Basarte sa pakikipagtuos sa Blue Eagles.

Magtutuos ang CSB at Ateneo ngayong alas-6 ng gabi matapos ang labanan ng University of the East at University of the Philippines sa alas-3:30 ng hapon.

Ipinagpag ng Blue Eagles ang Lady Warriors, 25-21, 25-17, 25-22, sa unang classification round pairing ng SSL na katuwang ang Smart Sports, PLDT Fibr, Mi­kasa, Asics, Rebel Sports, Eurotel, Victory Liner, Commission on Higher Education (CHED), Philippine Sports Commission (PSC) at SM Tickets bilang technical partners.

Ipaparada ng Ateneo sina Geezel Tsunashima at Lyann De Guzman.

Show comments