Unity
Saludo ako sa La Salle na walang alinlangan na pansamantalang pinakawalan si Kevin Quiambao – at Mason Amos – sa Gilas Pilipinas.
Ito eh kahit na kailangan ng Green Archers na pagtuunan ng pansin ang paparating na UAAP Final Four.
Testamento ito sa kasalukuyang pagkakaisa na umiiral sa Philippine basketball at sa pagsaludo ng mga basketball stakeholders sa liderato ng Samahang Basketbol ng Pilipinas.
Nariyan ang PBA at ang kanilang unwavering support sa SBP.
Kaya naman available ang best talents at nagagamit sa kampanya ng Gilas Pilipinas sa mahahalagang international tournaments – gaya ng parating na FIBA Asia Cup qualifying window.
Kahapon pumasok sa training camp sa Calamba, Laguna ang Gilas para sa preparasyon sa dalawang home games kontra New Zealand (Nov. 21) at Hong Kong (Nov. 24).
“Sobrang blessed na may opportunity na ma-represent ang country natin. Pahinga lang saglit sabay back to work na and then tuluy-tuloy lang naman. I-take ko lang ang opportunity, at challenge ito sa akin as a player,” ani Quiambao.
“It’s going to be a win-win. KQ’s not going to be with us but try also to imagine the sacrifice that he has to make. There’s so much to gain. That’s one of our contributions to our national program,” ani La Salle coach Topex Robinson.
Malayo na ang narating ng pagbubuklod ng mga basketball stakeholders sa bansa.
Dahil dito nawawala na sa memory ang mga panahong walang mahagilap na manlalaro para sa national team at ang paguwi ng Nationals mula sa international tournaments dala ang nakakahiyang resulta.
- Latest