Amit sasargo sa Last 16 ng WPA World 10-Ball

MANILA, Philippines — Tutumbok sa Last 16 si Pinay cue artist Rubilen ‘Bingkay’ Amit matapos kumana ng dalawang sunod na panalo sa 2024 VenBilliards WPA World 10-Ball Women’s Championship na nilalaro sa Puerto Rico Convention Center sa San Juan, Puerto Rico.

Tumulak ng panalo si two-time WPA World Champion Amit kay O­livia Zalewska, 2-0 ng Indonesia sa Round 1 at saka kinaldag si Tani Miina, 2-0 ng Japan.

Maghihintay muna ang 43-anyos na si Amit ng makakalaban sa Last 16, lumalakas ang tsansa niyang masungkit ang korona sa event na nakataya ang US$50,000 (P2.85 million) sa magka-kampeon.

Bawal ng kumurap para kay Chezka Centeno na isa ring Pinay world champion, nasa losers qualification at kailangan niyang manalo para makapasok din sa Round-of-16. 

“We’ll do our best to keep the title for our country,’’ ani Amit, ang two-time champion ng meet noong 2009 at 2013.

Nagwagi si Centeno kay Silviana Lu, 2-0 ng Indonesia sa Round 1 pero sumadsad siya sa kapwa world champion na si Han Yu, 0-2 ng China sa winners qualification.

Paniguradong gagawin lahat ni Centeno upang may makasama si Amit na umusad sa susunod na round.

Show comments