Gilas tatalunin ang Kiwis?
Suki ng New Zealand ang Gilas Pilipinas.
Pero maganda ang itinatakbo ng Team Philippines sa ilalim ni coach Tim Cone, at maaaring ito na ang panahon na matatalisod ng Gilas ang New Zealand.
Sa Nov. 21 sa MOA Arena lalabanan ng Gilas ang Kiwis, parte ng kanilang back-to-back home games sa FIBA Asia Cup qualifiers.
Three days later, sasagupain naman ng Gilas ang Hong Kong.
Kasama si Ange Kuoame sa 15-man pool na ninombra para sa dalawang home games na ito.
So maaaring si Justin Brownlee ang lalarong naturalized player kontra New Zealand at magpapahinga upang bigyang-daan ang paghalili ni Kuoame versus Hong Kong.
Sa Biyernes papasok sa maigsing training camp sa Inspire Sports Academy ang pool na kinabibilangan din nina June Mar Fajardo, Japeth Aguilar, Scottie Thompson, Jamie Malonzo, Calvin Oftana, Chris Newsome, CJ Perez, Dwight Ramos, Kai Sotto, Carl Tamayo, AJ Edu at collegiate players Kevin Quiambao at Jason Amos.
Mataas ang kumpiyansa ng koponan galing sa magandang showing sa Olympic Qualifying Tournament sa Riga, Latvia.
Matatandaan ang pagsibak ng Gilas sa host team Latvia – ang pinakamabigat na panalong naiskor ng Team Philippines sa mahabang panahon.
At di ako magtataka kung magagawa rin ito ng Gilas kontra New Zealand.
- Latest