FEU puwede pa sa Final Four

MANILA, Philippines — May tsansa pa ang Far Eastern University na makausad sa susunod na yugto.

Kailangan lang na suwagin nila ang nalalabing laro kasama ang laban sa Ateneo de Manila University sa UAAP Season 87 men’s basketball tournament sa Smart Araneta Co­liseum.

Tangan ang 4-8 karta, kasalo ng Tamaraws sa No. 6 spot sa team stan­dings ang National University Bulldogs kasunod ang Blue Eagles na hawak ang 3-8 baraha.

Magsisimula ang ka­nilang banatan ngayong alas-3:30 ng hapon sunod ang kaldagan sa pagitan ng University of the East at University of Sto. Tomas sa alas-6:30 ng gabi.

Kapag naipanalo ng Ta­­maraws ang huling da­­lawang laro nila at posible pang mahabol sa magic four ang Red Warriors na may 6-5 marka at Grow­ling Tigers na sakmal ang 5-7 kartada.

Solo naman sa tuktok ang defending champions De La Salle University (11-1) at nasa second spot ang University of the Phi­lippines (9-2), habang pang-lima ang Adamson University (4-7).

Krusyal ang lahat ng laro kaya mahalaga ang bawat panalo lalo na at puwede pang malaglag ang mga nakapuwesto sa Nos. 3 at 4.

Bago nabigo ang Ta­maraws sa Green Archers at nagtala si Veejay Pre ng career-high 31 points nang talunin nila ang Red Warriors, 59-51, noong Nobyembre 3.

Kaya asahang kakapitan muli ng FEU si Pre sa kanilang opensa.

Show comments