Heat tinunaw ng Suns

PHOENIX — Nagbagsak si Kevin Durant ng 32 points at humakot si Jusuf Nurkic ng 20 points at 18 rebounds sa 115-112 pagtakas ng Suns sa Miami Heat.

Nagdagdag si Devin Booker ng 22 points.

Bumangon ang Phoenix (7-1) mula sa isang 15-point deficit para ilista ang ikaanim na sunod na ratsada.

Pinamunuan ni Tyler Herro ang Miami (3-4) sa kanyang 28 points at may 19, 15 at 12 markers sina Haywood Highsmith, Jimmy Butler at Bam Adebayo, ayon sa pagkakasunod.

Ang jumper ni Durant sa huling 16 segundo sa fourth quarter ang nagbigay sa Suns ng isang four-point lead habang ang split ni Booker sa natitirang 4.8 segundo ang sumelyo sa kanilang panalo sa Heat.

Sa Sacramento, bu­manat si DeMar DeRozan ng 27 points para gabayan ang Kings (5-3) sa 122-107 panalo sa Toronto Raptors (2-7).

Sa New Orleans, umiskor si Donovan Mitchell ng 29 points sa 131-122 paggupo ng Cleveland Cavaliers (9-0) sa Pelicans (3-6).

Sa Memphis, kumamada si Ja Morant ng 20 points bago nagkaroon ng right hamstring injury sa third period sa 131-114 pagdaig ng Grizzlies (5-4) sa Los Angeles Lakers (4-4).

Show comments