^

PM Sports

Lyceum magpapatibay sa F4

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Palalakasin ng Lyceum of the Philippines University ang pag-asa sa Final Four sa pagsagupa sa sibak nang Jose Rizal University sa second round ng NCAA Season 100 men’s basketball sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City.

Lalabanan ng Pirates ang Heavy Bombers nga­yong alas-12 ng tangh­ali kasunod ang upakan ng St. Benilde Blazers at Letran Knights sa alas-2:30 ng hapon.

Solo pa rin ng St. Benilde ang liderato bitbit ang 12-2 record kasunod ang Mapua (12-3), nagdedepensang San Beda (9-5), Emilio Aguinaldo College (7-7), Lyceum (7-8), Letran (7-8), Perpetual Help (6-9), Arellano (6-9), Jose Rizal (4-11) at San Sebastian (4-11).

Umiskor ang Pirates ng 93-85 panalo sa Stags tampok ang career-high 25 points ni Renz Villegas.

“Kailangan na kaila­ngan namin itong panalo papunta sa mga susunod na games namin,” wika ni coach Gilbert Malabanan sa kanyang tropa na nauna nang natalo sa Chiefs, Altas at Cardinals.

Laglag naman ang Heavy Bombers sa dalawang dikit na kamalasan.

Sa ikalawang laro, pormal na ibubulsa ng Bla­zers ang isa sa dalawang ‘twice-to-beat’ incentive sa pagharap sa Knights.

Target ng St. Benilde ang pang-pitong dikit na ratsada, habang pilit na tatapusin ng Letran ang kanilang two-game losing skid.

vuukle comment

NCAA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with