Basado ng TNT Tropang Giga ang diskarte ni coach Tim Cone sa pagpapaupo sa kanyang core group sa fourth quarter ng Game Five ng PBA Governors’ Cup finals noong nakaraang gabi sa Big Dome.
Hindi iyon pagwawagayway ng white flag.
Bagkus, iyon eh maagang oras ng rest, restoration, reflection para sa balaking bumawi sa Game Six para madala ang serye sa do-or-die faceoff.
“It’s one game in a series, it’s not ‘the series’ and my job is to win a series and not to win one game,” ani Cone sa kanyang paglabas sa dugout pagkatapos ng kanilang post-game huddle.
Bugbog-sarado na ang Gin Kings nang ilabas ni Cone at hindi na ibinalik pa sa laban sina Justin Brownlee, Japeth Aguilar, Stephen Holt at Scottie Thompson.
Naging duwelo ng mga bangkusay ang fourth quarter at natapos ang laban na 99-72 runaway winner ang mga Tropa.
Wala sa kaisipan ni Cone ang 27-point blowout loss.
“It’s the same as losing a 30-point game, and losing a one-point game. Actually, it doesn’t matter that we lost by 30 points. Bottom line is we lost,” aniya.
Tunay na ang bottom line eh natalo sila, at kailangan bumawi sa Game Six para magkatsansang maisalba ang championship.
At dahil ramdam niyang pagod at mabigat ang mga paa nina Brownlee at kasama, binigyan na niya ng maagang pahinga.
Pero malalim sa isipan ang pagbawi ngayong gabi sa Big Dome.
‘Di lingid sa isipan ng TNT iyon.
Ang malaking mithiin para sa Tropang Giga: Sugod, sulong!