^

PM Sports

Brownlee saludo kay Hollis-Jefferson

Chris Co - Pang-masa
Brownlee saludo kay Hollis-Jefferson
Rondae Hollis-Jefferson

MANILA, Philippines — Malaki ang respeto ni Barangay Ginebra import Justin Brownlee kay TNT reinforcement Rondae Hollis-Jefferson.

Kaya naman naniniwala itong deserving si Hollis-Jefferson na tanghaling Best Import sa PBA Governors’ Cup.

Saludo si Brownlee sa matikas na inilalaro ni Hollis-Jefferson kaya naman karapat-dapat ito sa naturang parangal.

Nasungkit ni Hollis-Jefferson ang kanyang ikalawang Best Import award matapos makuha ang kanyang una noong 2023 Governors’ Cup.

“Man, that’s a talented dude. He’s been playing incredibly the whole confe­rence. It’s well-deserved,” ani Brownlee.

Magkalaban sina Brownlee at Hollis-Jefferson sa Best Import race.

Subalit sa ginanap na awarding noong Linggo, iginawad kay Hollis-Jefferson ang Best Import kasabay ng pagbigay ng Best Player of the Confe­rence kay June Mar Fajardo ng San Miguel Beer.

“TNT, in the elimination, it only lost one game. And then in the playoffs, maybe one or two games? But they have just been playing great the whole conference, from elimination to playoffs,” ani Brownlee.

Isa si Hollis-Jefferson sa pangunahing dahilan kung bakit nasa finals ang Tropang Giga

Dahil sa husay nito, muling dinala ni Hollis-Jefferson ang TNT sa panibagong finals appearance kung saan kalaban nito ang Gin Kings.

“He’s a huge reason why they’re in the Finals. Congratulations to him. It’s well-deserved,” ani Brownlee.

Nakasentro ang atensiyon ni Brownlee para tulungan ang Gin Kings na makopo ang kampeonato sa Governors’ Cup.

PBA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with