^

PM Sports

Archers tinakasan ang Tamaraws

Nilda Moreno - Pang-masa
Archers tinakasan ang Tamaraws
Kevin Quiambao
UAAP photo

MANILA, Philippines — Kevin Quiambao inalat, No Problem.

Sa kabila ng masama ang pulso ng reigning MVP na si Quiambao nagawa pa ring manalo ng defending champion De La Salle University sa Far Eastern University, 58-53 kagabi sa UAAP Season 87 collegiate men’s basketball tournament na nilaro sa SM Mall of Asia Arena.

Nirehistro ni Quiambao ang walong puntos at 13 rebounds mula sa masagwang 2-of-17 sa field goal subalit naisalba sila ni Mike Phillips na nag-init ang opensa sa fourth quarter para sikwatin ang pang 11 panalo ng La Salle sa 12 laro.

Kumana si Phillips ng 17 markers, 15 rebounds, limang steals at tig-dalawang blocks at assists para sa Taft-based squad na tumibay ang kapit sa tuktok ng liderato.

Nasa pangalawang puwesto ng team standings ang last year’s runner-up na University of the Phi­lippines hawak ang 9-2 card.

Lumiyab si Phillips sa final period matapos ilista ang 11 puntos kasama ang shotclock-beating floater sa final 52.6 seconds para ibigay sa Green Archers ang 54-51 bentahe.

Sumalpak pa ng and-one layup si Phillips pero nagmintis sa bonus para hawakan ng Green Archers ang limang puntos na kalamangan, 56-51 may 24.1 segundo na lang sa orasan.

“We just tried to grind it out with FEU. We know it’s gonna be a fast-paced game so we just tried to keep it simple. On our end, we tried to make it a boring game by not outrunning them because it’s gonna be a disaster for us if we did and we just stepped up in the last few minutes of the game. We did what we’re supposed to do and that’s to limit their scorers,” ani La Salle head coach Topex Robinson.

Nakatuwang ni Phillips sa atake ng Green Archers sina Joshua David at Raven Gonzales para punan ang pagkukulang ng kanilang kamador na si Quiambao.

vuukle comment

KEVIN QUIAMBAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with