Bea Bell paparada sa Grand Derby race

MANILA, Philippines — Nagdeklara ng pagsali ang Bea Bell sa magaganap na PCSO “Grand Derby” stakes race na ilalarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas sa Nobyembre 17 (Linggo).

Makakatagisan ng bilis ng Bea Bell ang anim pang tigasing kabayo na nagsaad ng paglahok sa event na nakataya ang tumatagin­ting na P3M guaranteed prize na ikakalat sa unang anim na kabayong tatawid sa meta.

Gagabayan ni former Philippine Sportswri­ters Association, (PSA) - J­ockey of the Year awardee Jonathan Basco Hernandez, makakalaban ng Bea Bell ang Batang Manda, Every Sweat Counts, High Dollar, Still Somehow, War Chiefs at Worshipful Master.

Hahamigin ng mananalong kabayo ang P1.8M, mapupunta sa second placer ang P600,000, kukubrahin naman ng pa­ngatlo ang P300,000 habang P150,000, P90,000 at P60,000 ang fourth hang­gang sixth, ayon sa pagkakasunod.

Magbubulsa rin ang breeder ng mananalong kabayo ng P150,000 habang P90,000 at P60,000 ang second at third sa karerang inisponsoran ng Philippine Charity Sweepstakes Office, (PCSO).

May distansyang 1,800 meter race ang nasabing karera, tiyak ang pagha­handa ng puspusan ng mga trainer at jockey upang masilo ang pinupuntiryang malaking premyo.

Asahan din na aaba­ngan ito ng mga karerista kaya pag-aaralan din nila ang mga tiyempo ng mga sasali upang makasilip ng tatayaan sa araw mismo na bakbakan.

Show comments