^

PM Sports

Curry nagpasikat sa Warriors

Pang-masa
Curry nagpasikat sa Warriors
Sumalaksak si Stephen Curry ng Warriors laban kay Bilal Coulibaly ng Wizards.

WASHINGTON — Humugot si Stephen Curry ng 16 sa kanyang 24 points sa second half sa pagbabalik niya mula sa ankle injury para giyahan ang Golden State Warriors sa 125-112 panalo sa Wizards.

Inilista ng Golden State (6-1) ang kanilang three-game winning streak nang wala si Curry na nagsalpak din ng apat na three-point shots.

Nag-ambag si Buddy Hield ng 20 points kasama ang tatlong triples habang may 18, 15 at 12 markers sina Draymond Green, Jonathan Kuminga at Trayce Jackson-Davis, ayon sa pagkakasunod.

Pinamunuan ni Jordan Poole ang Washington 2-4) sa kanyang 24 points, samantalang hindi naglaro sina Kyle Kuzma (right groin strain) at Marvin Bagley III (illness).

Ang buzzer-beating triple ni Curry ang nagbigay sa Warriors ng 54-45 halftime lead bago makalayo sa Wizards sa 106-96 sa fourth quarter.

Sa Atlanta, kumamada si Jayson Tatum ng 28 points para igiya ang nagdedepensang Boston Celtics (7-1) sa 123-93 paggupo sa Hawks (3-5).

Sa Oklahoma City, umiskor si Jalen Williams ng 23 points at may 21 markers si Shai Gilgeous-Alexander sa 102-86 pagpapatumba ng Thunder (7-0) sa Orlando Magic (3-5).

Sa Cleveland, bumira si Darius Garland ng 39 points sa 116-114 pagtakas ng Cavaliers (8-0) sa Milwaukee Bucks (1-6) na naglaro na wala si injured superstar Giannis Anteto­kounmpo.

NBA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with