^

PM Sports

UST, NU pasok sa SSL semis

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Umusad sa semifinals ang University of Sto. To­mas matapos kalmutin ang University of the East, 25-22, 25-21, 25-21, sa 2024 Shakey’s Super League collegiate pre-season championship sa Rizal Memorial Coliseum noong Linggo. 

Lubog ng anim na puntos sa third set, lumabas ang bangis ng Golden Tigresses sa tulong nina Angge Poyos at Regina Ju­rado para akbayan ang UST sa panalo at harapin sa semis ang undefeated na De La Salle University.

Kumana si Poyos ng 10 sa kanyang 15 points sa third frame at bu­makas si Jurado ng 12 mar­kers kasama ang wa­long spikes, tatlong aces at isang block para sa UST. 

“Inisip lang namin na i-compose ang sarili na­min kasi nga malaki ang lamang ng kalaban. Iyong consistency all throughout the game ‘yun talaga ang pinanghahawakan namin and ‘yung communication sobrang importante talaga,” ani Poyos.

Inirehistro ni Jelai Ga­jero ang 18 points na hin­di sapat upang ipanalo ang Lady Warriors na lu­manding sa classification phase sa torneong su­portado ng Smart Sports, PLDT Fibr, Mika­sa, Asics, Rebel Sports, Eu­rotel, Victory Liner, Commission on Higher Edu­cation (CHED), Phi­lippine Sports Commission (PSC) at SM Tickets bilang technical partners.

Swak din sa semis ang nagdedepensang Natio­nal University matapos kaldagin ang University of the Philippines, 25-12, 25-22, 25-17, sa kanilang quarterfinal clash.

Inaabangan ng mga volleyball fans ang pag­haharap muli ng NU at FEU.

 

vuukle comment

SHAKEY’S SUPER LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with