MANILA, Philippines — Apat na koponan ang sisilip pa ng tsansa sa Final Four sa pagbabalik ng aksyon sa second round ng NCAA Season 100 men’s basketball tournament sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City.
Magtutuos ang Lyceum of the Philippines University at San Sebastian College-Recoletos ngayong alas-11 ng umaga kasunod ang upakan ng Arellano University at Jose Rizal University sa alas-2 ng hapon.
Napasakamay na ng nangungunang College of St. Benilde (12-2) at Mapua Univgersity (11-3) ang dalawang tiket sa Final Four mula sa kanilang mga bitbit na 12-2 at 11-3 baraha, ayon sa pagkakasunod.
Solo ng nagdedepensang San Beda University ang third spot sa kanilang 9-5 record kasunod ang Emilio Aguinaldo College (7-7), Letran (7-8), Lyceum (6-8), Perpetual Help (6-9), Arellano (5-9), Jose Rizal (4-10) at San Sebastian (4-10).