^

PM Sports

ZUS Coffee nagpalakas sa PVL AFC

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tuluy-tuloy ang lipatan ng mga players habang papalapit ang pagbubukas ng 2024-25 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference sa Nobyembre 9.

Matapos si veteran Jovelyn Gonzaga ay si Chai Troncoso naman ang lumipat sa ZUS Coffee mula sa Cignal HD.

Nauna nang nahugot ng Thunderbelles sina Kate Santiago, Chinnie Arroyo at Joan Narit buhat sa sister team Farm Fresh Foxies na ipaparada ang nagbabalik na si veteran Rachel Anne Daquis kasama si libero Jheck Dionela, habang hindi makakalaro si Fil-Am setter Alohi Robins-Hardy.

Huling naglaro ang 31-anyos na si Robins-Hardy para sa Cignal sa nabuwag nang Philippine Super Liga (PSL), ngunit hindi pa nasisilayan sa PVL na naging professional league noong 2021.

Sa PVL rules ay kailangan pa siyang dumaan sa susunod na rookie draft.

Sa pagdating nina Gonzaga at Troncoso ay inaasahang lalakas ang puwersa ng ZUS Coffee na ipaparada si No. 1 overall pick at Alas Pilipinas member Thea Gagate.

Unang makakatapat ng Thunderbelles sa PVL All-Filipino Conference ang Akari Chargers sa Nob­yembre 14 sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City.

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with