Pistons tumiklop sa Knicks

Tumirada ng jum- per si Jalen Brunson ng Knicks laban kina Ronald Holland II at Isaiah Stewart ng Piston.
STAR/ File

DETROIT - Iniskor ni guard Jalen Brunson ang 15 sa kanyang 36 points sa first quarter para banderahan ang New York Knicks sa 128-98 paggiba sa Pistons.

Ito ang ika-16 sunod na dominasyon ng New York sa Detroit.

Humakot si center Karl-Anthony Towns ng 21 points, 11 rebounds at 7 assists para sa Knicks (3-2), habang may 21 markers si OG Anunoby.

Pinamunuan ni Cade Cunningham ang Pistons (1-5) sa kanyang 22 points at nagdagdag si Tobias Harris ng 13 points at 8 rebounds.

Sa likod ni Bruson ay itinayo ng New York ang 39-13 kalamangan sa first quarter at hindi na muling nilingon ang Detroits.

Sa Charlotte, kumamada si Jayson Tatum ng 32 points para akayin ang nagdedepensang Boston Celtics (4-1) sa 124-109 paghuli sa Hornets (2-2).

Nag-ambag si Jaylen Brown ng 25 points, 6 rebounds at 5 assists para sa mainitang bakbakan ng Boston at Charlotte kung saan isinalya ni Hornets’ forward Grant Williams si Tatum sa sahig sa fourth quarter.

Sa Toronto, nagbagsak si LeBron James ng 27 points para pamunuan ang Los Angeles Lakers (3-2) sa 131-125 pagkalawit sa Raptors (1-4).

Sa Cleveland, umiskor si Darius Garland ng 25 points at may 22 markers si Donovan Mitchell sa 120-109 panalo ng Cavaliers (6-0) sa Orlando Magic (3-3).

Sa Atlanta, bumira si De’Aaron Fox ng 31 points habang may 27 markers si DeMar DeRozan sa 123-115 panalo ng Sacramento Kings (3-2) sa Hawks (2-4).

Show comments