^

PM Sports

Wemby binuhat ang Spurs vs Jazz

Pang-masa
Wemby binuhat ang Spurs vs Jazz
Binutata ni 7’3 Victor Wembanyama ng Spurs ang layup ni Jazz center Walker Kessler.

SALT LAKE CITY — Humakot si Victor Wembanyama ng 25 points at 9 rebounds para pamunuan ang San Antonio Spurs sa 106-88 paggiba sa Utah Jazz.

Tumipa rin ang 7-foot-3 na si Wembanyama ng 7 assists, 5 steals at 5 blocks, para sa Spurs (2-3) na nakahugot kay Chris Paul ng 19 points, 10 assists at 6 rebounds.

Binanderahan ni Collin Sexton ang Jazz (0-5) sa kanyang 16 points habang naglista si John Collins ng 14 points at 11 rebounds.

Muling naglaro ang Utah na wala si starting forward Lauri Markkanen na may back spasms.

Binura ng San Antonio ang 19-30 pagkakabaon sa Utah sa first period para agawin ang 63-55 bentahe sa third quarter sa likod nina Julian Champagine at Keldon Johnson.

Sa Memphis, nagtala si guard Ja Morant ng triple-double na 26 points, 14 assists at 10 rebounds sa 122-99 paggiba ng Grizzlies (3-3) sa Milwaukee Bucks (1-4).

Nagdagdag si center Santi Aldama ng 19 points at 9 rebounds habang umis­kor sina Scotty Pippen Jr. at Jaylen Wells ng tig-16 points para sa Memphis (3-3) na tinapos ang two-game losing skid.

Pito pang players ang tumapos sa double figures.

Binanderahan ni Gian­nis Antetokounmpo ang Milwaukee (1-4) sa kanyang 37 points at 11 rebounds.

Bagsak ang Bucks sa kanilang ikatlong sunod na kamalasan.

Sa Dallas, kumamada si Fil-Am Jalen Green ng 23 points at 12 rebounds at nagposte si Alperen Sengun ng 17 points at 12 boards sa 108-102 pagpapasabog ng Houston Rockets (3-2) sa Mavericks (3-2).

vuukle comment

NBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with