Beda kakapit sa third spot vs Jose Rizal

MANILA, Philippines — Pilit na kakapit ang nagdedepensang San Be­da University sa third spot sa second round ng NCAA Season 100 men’s basketball tournament sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City.

Haharapin ng Red Lions ang Jose Rizal Heavy Bombers ngayong alas-2:30 ng hapon sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City.

Sa alas-11 ng umaga ay maglalaban ang Ma­pua Car­dinals at Lyceum Pirates.

Solo ng St. Benilde ang liderato bitbit ang 11-2 record kasunod ang Ma­pua (10-3), San Beda (8-5), Letran (7-7), Emilio Aguinaldo College (6-7), Lyceum (6-7), Perpetual (6-8), Arellano (5-9), Jose Rizal (4-9) at San Sebastian (4-10).

Nanggaling ang Red Lions sa 55-58 kabiguan sa Cardinals sa huli nilang laro.

Umiskor naman ang Heavy Bombers ng 90-86 panalo sa Knights para tumarget ng back-to-back wins.

 

Show comments