^

PM Sports

Constatic Offer wagi sa 1st Leg Juvenile Race

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinatunayan ng Constatic Offer ang husay nito sa banderahan matapos angkinin ang korona sa 1st Leg Juvenile Stakes Race na inilarga sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas noong Linggo.

Ginabayan ni class A rider O’Neal Cortez, inirehis­tro ng Constatic Offer ang tiyempong 1:11.6 minuto sa 1,200 meter race sapat upang hamigin ni winning horse owner Antonio Tan ang P1,080,000 premyo.

Pinaarangkada ni Cortez ang Constatic Offer sa ali­san upang hawakan agad ang bandera sa unang dalawang daang metro ng karera, habang nasa panga­lawa ang Heartfelt at tersero ang La Luna.

Lumapit ang Heartfelt sa Constatic Offer sa kala­gitnaan ng labanan at umungos ng nguso ang una pag­dating sa far turn, habang nasa likuran ang La Luna, Easy Money at Midnight Bell.

Papalapit ng huling kurbada ay kumuha muli ng unahan ang Constatic Offer, habang malakas ang da­ting sa bandang labas ng La Luna at Midnight Bell

Mas tumindi ang bakbakan pagdating sa rektahan ng Constatic Offer, La Luna at Midnight Bell pero nanatili ang tikas ng winning horse.

Tinawid ng Constatic Offer ang finish line na may dalawang kabayo ang agwat kontra sa La Luna, Midnight Bell at Heartfelt.

Nasikwat ng second placer na La Luna ang P405,000, habang may P225,000 at P90,000 ang third at fourth placers na Midnight Bell at Heartfelt, ayon sa pagkakasunod.

Samantala, siyam na karera ang pinakawalan ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) noong Linggo kaya nasiyahan ang mga karerista.

METRO TURF

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with