James kumana ng triple-double vs Kings

Ang paglusot ni LeBron James ng Lakers sa depensa ni DeMar DeRozan ng Kings.
STAR/File

LOS ANGELES — Ipinoste ni LeBron James ang triple-double na 32 points, 14 rebounds at 10 assists para igiya ang La­kers sa 131-127 pagtakas sa Sacramento Kings.

Kumamada si Anthony Davis ng 31 points para sa 3-0 start ng Los Angeles, habang laglag ang Sacramento sa 0-2.

Kinuha ng Lakers ang 15-point lead sa first half bago nakadikit ang Kings sa 60-64 sa halftime at nakapaglista ng seven-point lead sa third quarter.

Umiskor si James ng 16 points sa fourth quarter habang nagsalpak si Davis ng 3-pointer sa huling 37 segundo para sa 128-123 abante ng Los Angeles.

Kumolekta rin si Domantas Sabonis ng triple-double sa kanyang 29 points, 12 rebounds at 10 assists para sa Sacramento.

Sa San Antonio, bumira si Victor Wembanyama ng 29 points at naglista si Jeremy Sochan ng 17 points at 12 rebounds sa 109-106 panalo ng Spurs sa Houston Rockets.

Sa Minneapolis, tumipa si Julius Randle ng 24 points, 9 rebounds at 5 assists para sa 112-101 pagpulutan ng Minnesota Timberwolves sa Toronto Raptors.

Sa Memphis, nagtala si Santi Aldama ng 22 points sa 124-111 paggupo ng Grizzlies sa Orlando Magic.

Show comments