Fighting Maroons kasado na sa semis

Tumirada ng reverse layup si JD Cagulangan ng UP laban sa Adamson.
UAAP photo

MANILA, Philippines — Nagtulungan sa clucth sina Mark Belmonte, Gerry Abadiano at Quentin Millora-Brown upang akbayan ang University of the Philippines sa 70-59 panalo kontra Adamson University sa UAAP Season 87 collegiate men’s basketball na nilaro sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City kahapon.

Si JD Cagulangan ang namuno sa opensa pero sina Belmonte, Abadiano at Millora-Brown ang nagdala sa Fighting Maroons sa dulo ng bakbakan kaya naman nasungkit nila ang isang slot sa Final Four.

Ibinaba ng Soaring Falcons ang hinahabol sa isang puntos, 57-58 matapos itarak ni AJ Fransman ang dalawang puntos at tres ni Jhon Calisay may 3:48 mark sa fourth quarter.

Pero hindi nasira ang diskarte ng Fighting Maroons sumagot sila ng 12-0 run mula sa kabayanihan nina Belmonte, Abadiano, at Millora-Brown para muling ilayo ang iskor, 70-57 may 52 segundo na lang sa orasan.

Dahil sa panalo, sasamahan ng Fighting Maroons ang nakalaban nila sa finals noong nakaraang season na De La Salle University Green Archers sa semifinals matapos ilista ang 8-1 karta para sa solo second.

Pang anim na sunod na Final Four appearances ng UP ito simula noong Season 81 (2018).

“This was a clinching semifinal game so you know, it’s something that we’re gonna celebrate tonight, so to speak, but at the same time the goal is -- the big picture, iyong papasok ng finals, giving ourselves an opportunity for that,” ani UP assistant coach Christian Luanzon.

Nagtala si Cagulangan 17 points mula sa 7-of-11 sa field para sa UP.

Show comments