Lady Tams kumakaway sa bonus sa SSL volley

MANILA, Philippines — Sinikwat ng Far Eastern University ang pangalawang sunod na panalo sa Pool F matapos kaldagin ang A­teneo de Manila University, 25-18, 25-18, 25-19 sa 2024 Shakey’s Super League Collegiate (SSL) Pre-season Cham­pionship na nilaro sa Rizal Memorial Coliseum kahapon.

Kinapitan ng Lady Tamaraws si Alyzza Devosora sa opensa upang ilsita ang 2-0 card at mapalapit sa inaasam na quarterfinals twice-to-beat advantage sa pagtatapos ng second round.

Nagtala si Devosora ng 14 points, mula sa 11 attacks, dalawang blocks at isang service ace sa tournament na suportado ng Shakey’s Pizza Parlor, GCash, Chery Tiggo, F2 Logistics, Peri-Peri Charcoal Chicken, Potato Corner, R and B Milk Tea at Summit Water.

Kailangan makuha ng Lady Tamaraws ang panalo sa huli nilang laro sa Miyerkules kontra University of the Philippines upang masiguro ang inaasam na insentibo.

Sakaling manalo ang Lady Maroons sa Lady Tamaraws ay magkakaroon ng three-way tie sa 2-1 record sa event na katuwang ang Smart Sports, PLDT Fibr, Mikasa, Asics, Rebel Sports, Eurotel, Victory Liner, Commission on Higher Education (CHED), Philippine Sports Commission (PSC), at SM Tickets bilang technical partners.

Kung manalo naman ang FEU ay kasama nila ang University of Sto. Tomas na sasampa sa susunod na phase.

Nasikwat ng Golden Tigress ang pangalawang panalo sa tatlong salang nang kalusin nila ang University of the Philippines, 25-14, 25-19, 25-21 sa u­nang laro.

Show comments