PHILADELPHIA — Bumanat si Damian Lillard ng 30 points at may 25 markers si Giannis Antetokounmpo sa 124-109 demolisyon ng Milwaukee Bucks sa 76ers.
Umiskor si Lillard ng 15 points sa third quarter at tumapos na may anim na three-pointers, 9 rebounds at 5 assists.
Humakot si Antetokounmpo ng game-high 14 rebounds, habang may tig-16 points sina Taurean Prince at Bobby Portis para sa Milwaukee.
Pinamunuan ni Tyrese Maxey ang Philadelphia sa kanyang 25 points at kumolekta si Andre Drummond ng 13 points at 11 rebounds.
Hindi naglaro sina injured stars Joel Embiid at Paul George.
Sa Salt Lake City, kumamada si Ja Morant ng 22 points, 10 assists at 5 rebounds sa 126-124 pagtakas ng Memphis Grizzlies sa Utah Jazz.
Humataw si Lauri Markkanen ng 35 points sa panig ng Jazz.
Sa Portland, tumipa si Stephen Curry ng 17 points, 10 assists at 9 re-bounds sa 139-104 pagmasaker ng Golden State Warriors sa Trail Blazers.
Sa Inglewood, naglista si Kevin Durant ng 25 points kasunod ang 24 markers ni Bradley Beal sa 116-113 overtime win ng Phoenix Suns sa Los Angeles Clippers.
Sa New Orleans, kumonekta si Brandon Ingram ng 33 points sa 123-111 panalo ng Pelicans sa Chicago Bulls.