Hong Kong swing

Mataas ang expectation na magandang pagta­ta­pos sa PBA Governors’ Cup ang ihahatid ng TNT-Ba­rangay Ginebra finals.

At kahit na medyo malayo pa, mataas din ang ex­­pectation na patok ang susunod na conference na sasahugan ng guest entry na Hong Kong Eastern.

Matatandaan na humakot ng record numbers ang 2022-23 Commissioner’s Cup na sinalihan ng Bay Area Dragons.

Naunsyami ang planong pagbabalik ng Dragons, pero nariyan ang Hong Kong Eastern, two-time Asean League champion club na nakatakdang pu­mirma ng two-year contract sa PBA.

Kasabay sa paglalaro sa PBA, isusulong ng Hong Kong Eastern ang kampanya bilang expansion team sa EASL, kasama ang Macau Black Bears.

Ang dagdag na saya para sa PBA eh, ang posi­bilidad na pagdada­la ng Commissioner’s Cup games sa Hong Kong.

Magpi-feature ng Hong Kong Eastern home game plus extra games na kinapapa­looban ng ibang PBA teams ang posibleng Hong Kong swing.

Ibig sabihin, muling ma­kakapanood ng PBA games ang ating mga kababayan sa Hong Kong.

Imports with unlimi­ted height ang sasalang sa Commissioner’s Cup. Pero malamang na may mga teams pa rin na isasalang ang kanilang resident im­port gaya ni Justin Brownlee ng Gi­nebra.

***

Show comments