Mag-amang James sasabak na sa aksyon vs Wolves

Sina LeBron at Bronny James sa preseason game ng Lakers.

LOS ANGELES — Itatampok ng Lakers ang mag-amang LeBron at Bronny James sa pagsagupa nila sa bisitang Minnesota Timberwolves sa pagsisimula ng 79th NBA season ngayon.

Ito ang magiging u­nang father-son combination sa NBA.

“Definitely a moment I’ll never forget. It was like being in ‘The Matrix’ or something. It just didn’t feel real,” ani LeBron, ipagdiriwang ang kanyang ika-40 kaarawan sa Dis­yem­bre, sa pagtatambal nila ng 20-anyos na si Bronny.

Muling makakatuwang ni LeBron sina veterans Anthony Davis, D’Angelo Russell at Austin Reaves, habang ipaparada ng Timberwolves ang mga bagong hugot na sina forward Julius Randle at guard Donte DiVincenzo.

Nakuha ng Minnesota sina Randle at DiVincenzo mula sa New York Knicks kapalit ni center Karl-Anthony Towns sa offseason trade.

“We can’t just be worried about one team. We’ve got to be worried about the whole Eastern Conference,” ani Towns.

Sa Boston, sisimulan ng Celtics ang pagdedepensa sa kanilang korona sa pagsagupa sa Knicks.

Muling bibida para sa Boston, sinibak si Luka Doncic at ang Dallas Ma­vericks, 4-1, sa NBA Finals noong Hunyo, sina Jayson Tatum at Jaylen Brown.

Hangad ng Celtics ang unang back-to-back crowns matapos itong magawa noong 1968 at 1969.

Show comments