Batang Manda papalag sa PCSO Anniversary Race

MANILA, Philippines — Naghayag ng paglahok ang Batang Manda sa magaganap na 2024 PCSO Anniversary race na ilalarga sa Metro Turf, Malvar-Tanauan City, Batangas sa Linggo.

Makikipag-unahan hanggang sa finish line ang Batang Manda kontra limang kabayong nagsaad ng pagsali sa distansyang 1,600 meter race kung saan ay nakalaan ang P2M guaranteed prize na ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa meta.

Nominadong makiki­pagtagisan ng bilis sa pambato ni Benjamin Abalos Jr. na Batang Manda ang kalahok na Diversity, Istulen Ola, Secretary, Sky Story at Sonic Clay.

Paniguradong mahigpitan ang labanan hanggang sa rektahan dahil pupuntiryahin ng mga kasali ang tumataginting na P1.2M premyo na hahamigin ng mananalong kabayo.

Rerendahan ni former Philippine Sportswriters Association, (PSA) - J­ockey of the Year awar­dee Patricio Ramos Dilema ang Batang Manda na posibleng pagtuunan ng pansin ng mga liyamadista.

Show comments