Diamond Power pinabilib ang bayang karerista

MANILA, Philippines — Napabilib ng Diamond Power ang kanyang mga tagahanga matapos angkinin ang panalo sa 2-Year-Old Maiden race na nilarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas noong Sabado ng hapon.

Sinakyan ni Class A jockey Kelvin Abobo, nilista ng Diamond Power ang tiyempong 1:14.4 minuto sa 1,200 meter race sapat upang hamigin ng winning horse owner na si Melaine Habla ang P22k added prize.

“Magaling na kabayo, may future kaya aabangan ko ‘yan sa susunod niyang takbo,” ani Cedrick Cabanero, veteran karerista.

Tumawid sa meta ng segundo ang Bagong Sila­ngan, tersero ang Loboc River habang pumang-apat ang Give It To Me sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM).

Nasungkit naman ng breeder ng nanalong kabayo na si Habla rin ang P4.5k habang P1k at P500 ang na­sungkit ng second at third placers, ayon sa pagkakasunod.

Show comments