^

PM Sports

Generals sumosyo sa 4th place

Russell Cadayona - Pang-masa
Generals sumosyo sa 4th place
Bumangon ang Gene­rals mula sa naunang kabiguan para itaas ang baraha sa 6-6 at sosyohan sa fourth spot ang Letran Knights at Lyceum Pirates.
STAR/. File

MANILA, Philippines —  Humakot si King Gurtiza ng 27 points, 5 rebounds at 4 assists para akayin ang Emilio Aguinaldo College sa 101-94 pagdaig sa San Sebastian College-Recoletos sa se­cond round ng NCAA Season 100 men’s basketball kahapon sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City.

Bumangon ang Gene­rals mula sa naunang kabiguan para itaas ang baraha sa 6-6 at sosyohan sa fourth spot ang Letran Knights at Lyceum Pirates.

“A win could move you up and a loss can bring you down. Maganda naman at nanalo kami. It’s triple-tie for the fourth place,” ani coach Jerson Cabiltes.

Bagsak ang Stags sa 3-9 matapos wakasan ang eight-game losing slump.

Mula sa 55-51 halftime lead ay humulagpos ang EAC sa third period sa likod ni Gurtiza para ibaon ang San Sebastian sa 73-55 sa 4:51 minuto nito.

Sa unang laro, tinalo ng Arellano University ang Lyceum of the Philippines University, 91-86, para tapusin ang two-game losing skid.

Bumira si Lorenz Ca­pulong ng career-high 30 points para sa 4-8 baraha ng Chiefs, habang nadiskaril ang hangad na ikatlong sunod na panalo ng Pirates para sa 6-6.

Nawalan ng malay sa court si Lyceum forward JM Bravo sa huling walong segundo ng laro nang mabangga ang ulo ni Arellano guard Renzo Abiera.

Nagkamalay na si Bravo matapos isugod sa Cardinal Santos Medical Center at sumailalim sa CT scan. 

FILOIL

NCAA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with