Tigresses itutuloy ang ratsada vs Lady Eagles

MANILA, Philippines —  Sisikapin ng University of Sto. Tomas na ipagpatuloy ang kanilang winning streak sa second round ng 2024 Shakey’s Super League (SSL) Collegiate Pre-season Championship na ilalarga ngayon sa Rizal Memorial Coliseum.

Nakatakdang harapin ng Golden Tigresses ang ang Ateneo de Manila University Lady Eagles sa alas-11 ng umaga sa si­mula ng kanilang kampanya sa Pool F kung saan ka-grupo nila ang Far Eastern University at University of the Philippines.

Malinis ang karta ng España-based squad sa apat na laro sa Pool B sa first round habang 3-1 ang baraha ng Lady Eagles sa Pool A sa tournament na suportado ng Shakey’s Pizza Parlor, GCash, Chery Tiggo, F2 Logistics, Peri-Peri Charcoal Chicken, Potato Corner, R and B Milk Tea at Summit Water.

Top two teams lang ang sumampa sa bawat  grupo sa first round at mahahati sa dalawa para magharap muli ng round robin kung saan nakataya ang twice-to-beat advantage.

Samantala, magtatagpo agad ang magkaribal na eskuwelahan sa UAAP na De La Salle University at National University sa second round.

Magpapaluan ng bola ang defending champion NU at La Salle sa alas-5 ng hapon pagkatapos ng bakbakan sa pagitan ng University of the East at College of Saint Benilde sa alas-2 ng hapon.

Show comments