Cardinals tumatag sa No. 2 spot

MANILA, Philippines — Dumiretso ang Mapua University sa ikatlong sunod na ratsada matapos talunin ang Letran College, 86-78, sa second round ng NCAA Season 100 men’s basketball kahapon sa Filoil EcoOil Center sa San Juan City.

Humakot si Chris Hubilla ng muntikang triple-double sa 19 points, 10 re­bounds at 9 assists para sa 9-3 record ng Cardinals sa ilalim ng lider na St. Be­nilde Blazers (9-2).

Nagdagdag si JC Recto ng 14 markers, habang may 13 points si John Ja­bonete.

Laglag ang Knights sa kanilang ikatlong dikit na kamalasan para sa 6-6 baraha.

Dikit ang laro sa halftime, 44-44, hanggang na­­­kalayo ang Mapua sa fourth period, 77-66.

Hindi na ito napababa ng Letran.

Sa unang laro, ki­num­pleto ng nagdedepensang San Beda University ang elimination sweep sa University of University of Perpetual Help System DALTA, 57-53.

Bumanat si Yukien An­drada ng 21 points ka­sama ang limang triples para sa 8-4 baraha ng Red Lions.

Bigo ang Altas sa ha­ngad na back-to-back wins at nadulas sa 5-7.

“I think we limited them to seven points and that’s what fueled ‘yung offense namin,” ani San Be­­­da mentor Yuri Escueta.

Nagdagdag si big man Bismarck Lina ng siyam na marka, habang may wa­­long puntos si Jomel Pu­­no para sa Red Lions na kinuha ang 44-31 abante sa third period.

Ito ay matapos ang ma­liit nilang 29-26 halftime lead sa Altas.

Nakadikit ang Perpe­tual sa 50-54 sa nalala­bing 1:28 minuto ng fourth quarter kasunod ang tres ni Penny Estacio na nag­la­yo sa San Beda sa 57-50.

Show comments