MANILA, Philippines — Tuluyan nang sinibak ng Terrafirma si coach Johnedel Cardel matapos ang anim na taon.
Sa kanyang anim na seasons ay inihatid ng 54-anyos na si Cardel ang Dyip sa malamyang 30-113 win-loss record.
Kasama rito ang masamang 1-9 baraha sa kasalukuyang Governors’ Cup.
Nakapasok sa quarterfinals ng nakaraang Philippine Cup ang koponan kung saan muntik nilang masilat ang San Miguel.
Si long-time assistant coach Raymond Tiongco ang papalit kay Cardel sa bench ng Terrafirma.