Unang panalo hinataw ng Mapua sa SSL

MANILA, Philippines — Pinalo ng Mapua University ang unang panalo sa 2024 Shakey’s Super League Collegiate Pre-season Championship matapos silang akbayan ni Greg Cabadin sa 25-22, 25-23, 25-20 paggupo sa University of Perpetual Help System DALTA kahapon sa Rizal Memorial Coliseum.

Umiskor si Cabadin ng 10 points mula sa siyam na attacks at isang service ace upang ilista ang 1-3 karta at puwestuhan ang No. 4 sa Pool B.

Bagama’t hindi na makakausad sa quarterfinals ang Lady Cardinals sa torneong suportado ng Shakey’s Pizza Parlor, GCash, Chery Tiggo, F2 Logistics, Peri-Peri Char­coal Chicken, Potato Corner, R and B Milk Tea at Summit Water ay ta­as noong tinapos ang ka­nilang kampanya.

Hindi naman nakatikim ng panalo ang Lady Altas sa apat na laro kagaya ng Cardinals.

Ang University of Sto. Tomas na may 4-0 karta at University of the East na hawak ang 3-1 card ang nagkaroon ng tiket sa quarterfinals.

Ang top two teams sa bawat group ang hahakbang sa quarterfinals.

Samantala, tinalo ng College of St. Benilde ang San Sebastian College-Re­coletos, 25-19, 25-18, 25-20, sa unang laro.

Show comments