^

PM Sports

Cuenco inilusot ang Cardinals sa Generals

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi lamang si reig- ning MVP Clint Escamis ang dapat asahan ng Cardinals.

Kumonekta si Cyrus Cuenco ng isang game-winning three-point shot sa huling 15.2 segundo para itawid ang Mapua University sa Emilio Aguinaldo College, 82-79, sa second round ng NCAA Season 100 men’s basketball kahapon sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City.

Ito ang ikalawang sunod na panalo ng Cardinals para ilista ang 8-3 kartada at solohin ang second spot sa ilalim ng St. Benilde Blazers (8-2).

Nadiskaril ang hangad na back-to-back wins ng Generals para sa kanilang 5-6 marka.

“Sabi lang sa akin ni coach Randy (Alcantara) na ‘Cy take charge’.  Ayun, kinuha ko lang ‘yung bola and nag-take charge ako,” wika ni Cuenco na tumapos na may 16 points kagaya ni Chris Hubilla habang kumamada si Escamis ng 23 markers at 6 rebounds.

Nauna nang tumabla ang EAC sa 79-79 sa natitirang 33 segundo matapos ang dalawang free throws ni Kyle Jacob.

Si Cuenco rin ang nagbigay sa Mapua ng 79-77 abante sa huling 1:06 minuto ng bakbakan.

Bigo naman si King Gurtiza na maipasok ang kanyang tres para maitabla ang Generals para makahirit ng overtime sa Cardinals.

Sa unang laro, ipinasok ni Greg Cunanan ang isang triple para tulungan ang Lyceum of the Philippines University sa 64-62 pagtakas sa nagdedepensang San Beda University.

Tumabla ang Pirates sa Letran Knights sa fourth spot sa magkatulad nilang 6-5 marka sa ilalim ng Red Lions (7-4) na nagwakas ang four-game winning run.

NCAA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with