Tamaraws kakalas sa 3-way tie sa No. 6
MANILA, Philippines — Sisikapin ng Far Eastern University na kumalas sa three-way tie sa No. 6 sa pakikipagsagupa nila sa National University ngayong araw sa UAAP Season 87 collegiate men’s basketball tournament na lalaruin sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Tangan ang 2-6 record, kaparehong karta ng Tamaraws ang Bulldogs at Ateneo de Manila University.
Magsisimula ang sagupaan ng FEU at NU sa alas-4 ng hapon, sunod ang tunggalian sa pagitan ng defending champions De La Salle University at University of Sto. Tomas sa alas-6 ng gabi.
Kasosyo ng Archers sa liderato ang UP Fighting Maroons sa hawak na 7-1 record.
Sasandalan ng Tamaraws si Jorick Bautista na siyang naging bayani ng talunin nila noong nakaraan ang Adamson University Soaring Falcons, 76-72 sa overtime game.
Dahil sa ipinakikitang laro ng FEU naniniwala si head coach Sean Chambers na paghahandaan na rin sila ng ibang koponan ngayong second round.
“Everybody who got a chance to get at us when we were younger, now it’s time for us to turn the table. I believe that. I believe we’re going to be a problem for everybody moving forward,” ani Chambers.
Para kay former PBA import, Chambers, nagsisimula nang magamayan ng kanyang bataan ang kanyang sistema.
Sa first round, nilapa ng Bulldogs ang Tamaraws, 62-60.
- Latest