Milka Romero: woman of style, substance

Papasok sa larangan ng pulitika si Milka Romero, pero idiniin na hindi mapapabayaan ang kanilang Capital1 Power Spikers team sa Premier Volleyball League.

Unang-una, nariyan ang kanyang kapatid at co-team owner na si Mandy.

Pero malamang na si Mandy muna ang mandando sa kanilang koponan, habang magiging abala si Milka sa pag-ikot sa pag-anunsyo ng kaniyang advocacies bilang first nominee ng 1-Pacman Party List para sa darating na mid-term elections.

Tututok siya sa sports, pagbibigay ng trabaho at ayuda sa mga nangangailangan kung papalaring makapasok sa Kongreso.

Hindi siya mangangapa kung mabibigyan ng pagkakataon maging representante dahil exposed siya sa Congress bilang panganay na anak ni graduating 1-Pacman Party List Rep. Mikee Romero.

Gra-graduate si  Cong. Mikee na mataba ang puso, kumbinsidong na­gampanan ang kanyang tungkulin sa siyam na taon sa Congress.

Libo ang scholars na napagtapos, ganoon din ang nabigyan ng libreng pagpapagamot, kasama sa mga panukalang batas na naipasa.

Ang mga ito ang target ni Milka na ipagpatuloy o lagpasan pa.

Ilang araw lang ang nakalipas, isa siya sa nahirang na 2024 People Asia’s Women of Style and Substance.  So, walang dudang maga­ling at maaasahan ang babaeng ito.

Isang atletang puno ng dedikasyon at determinasyon, kasama ito sa kanyang dadalhin kung sakaling palaring makapaglingkod.

Show comments