Eya tatambal kay Rondina

MANILA, Philippines — Isa ang Choco Mucho sa sinasabing malaki ang interes kay Eya Laure.

Sumingaw ang balita na papasok si Laure sa isang buyout para makawala sa Chery Tiggo Crossovers at makalipat sa Flying Titans kung saan makakatambal niya si Sisi Rondina.

Nauna nang umalis sa Chery Tiggo sina EJ Laure at libero Buding Duremdes bago ang darating na 2024-25 PVL All-Filipino Conference sa Nobyembre.

Posibleng ang pagkuha ng Crossovers kay Norman Miguel bilang bagong coach kapalit ni Kungfu Reyes ang isa sa mga dahilan ng pag-alis ng tatlo.

Kung tuluyan nang mawawala ang mag-utol na Laure at si Duremdes ay matitira sa Chery Tiggo sina Ara Galang, Mylene Paat, Shaya Adorador, Alina Bicar, Jasmine Nabor, Aby Maraño, Cza Carandang at Jasmine Nabor.

Nagsimulang maglaro ang 25-anyos na si Eya sa Crossovers bago humataw ang 2023 PVL Invitational Conference kasama sina Imee Hernandez, Jen Nierva, Cess Robles at Joyme Cagande.

Hinirang si Eya, mi­yembro ng Alas Pilipinas, bilang Best Outside Spiker sa 2nd All-Filipino Confe­rence.

Show comments