MANILA, Philippines — Winalis ng University of Sto. Tomas ang lahat ng nakatunggali sa Pool B ng 2024 Shakey’s Super League (SSL) Collegiate Pre-season Championship matapos kalusin ang University of the East, 23-25, 23-25, 25-14, 25-17, 15-9 kahapon sa Rizal Memorial Coliseum sa Vito Cruz, Manila.
Tangan ang malinis na apat na panalo, sinikwat ng Golden Tigresses ang No. 1 ranked sa Pool B upang umusad sa susunod na phase at manatiling malakas ang tsansa sa asam na korona.
Nagliyab sa opensa si Angeline Poyos matapos irehistro ang impresibong 28 points mula sa 25 attacks at tatlong blocks para sa UST sa event na suportado ng Shakey’s Pizza Parlor, GCash, Chery Tiggo, F2 Logistics, Peri-Peri Charcoal Chicken, Potato Corner, R and B Milk Tea at Summit Water.
Bagama’t natisod ang Lady Warriors ay paniguradong sasampa pa rin sila sa susunod na round matapos ilista ang 3-1 karta at puwestuhan ang No. 2 spot.
Samantala, umentra rin ang De La Salle University sa susunod na group stage matapos pagpagin sa tatlong sets ang Jose Rizal University, 25-18, 25-20, 25-16 sa unang laro.
Ang mga laro sa SSL ay ume-ere ng live sa Puso Pilipinas, SMART Livestream, Solar Sports Channel 70 sa Sky Cable at Channel 59 sa Cable Link.