Pirates ginantihan ang Knights sa 2nd round

Nakalusot si John Barba ng Pirates sa depensa ng Knights.

MANILA, Philippines — Binawian ng Lyceum of the Philippines ang Colegio de San Juan de Let­ran, 91-68, sa second round ng NCAA Season 100 men’s basketball kahapon sa Filoil EcoOil Centre sa San Juan City.

Pinaganda ng Pirates ang kanilang record sa 5-5 at ibinaba ang baraha ng Knights sa 6-4.

Kumamada si Renz Vil­legas ng 23 points, ha­bang kumolekta si John Bar­ba ng double-double na 19 points at 11 rebounds sa pagbandera sa Ly­ceum na natalo sa Letran, 66-78, sa first round.

Nakatulong ang three-day team building para sa tropa ni coach Gilbert Ma­labanan.

“Doon namin nakuha ulit ‘yung energy namin and na-realize namin na ka­ilangang magpapanalo na kami agad para matu­pad ‘yung unang goal na­min na makapasok sa Fi­nal Four,” ani Barba.

Matapos kunin ang 70-61 kalamangan sa pag­sasara ng third period ay bumanat pa ang Pirates ng 21 points sa kabuuan ng fourth quarter at nili­mitahan ang Knights sa pitong marka.

Pinamunuan ni Deo Cuajao ang Letran sa kanyang 16 points, habang may 11 at 10 markers sina Jimboy Estrada at Pao Javillonar, ayon sa pag­kakasunod.

Samantala sa ikalawang laro, bu­malikwas ang Emilio Agui­naldo College mula sa isang 24-point deficit para resbakan ang bumubulusok na University of Perpetual Help System DALTA, 78-70.

Kumamada si King Gur­tiza ng 21 points para sa 5-5 record ng Generals.

Show comments