Adamson target ang 4th win sa FEU

MANILA, Philippines — Nais ng Adamson Uni­versity na kalsuhan ang two-game losing skid sa pagharap nila sa Far Eastern University sa second round ng UAAP Season 87 men’s basketball tournament sa Smart Araneta Coliseum.

Nasa solo fifth place ng team standings ang Soa­ring Falcons tangan ang 3-4 record at hahara­pin nila ang Tamaraws nga­yong alas-4 ng hapon pagkatapos ng banatan ng defending champions La Salle Green Archers at University of the East Red Warriors sa alas-6 ng gabi.

Pero inaasahang ma­pa­palaban nang todo ang Adamson dahil uhaw sa panalo ang tropa ni FEU coach Sean Chambers at nais nilang umahon sa ilalim ng team standings.

Kasalo ng Tamaraws sa No.7 sa team standings ang Ateneo Blue Eagles na may 1-6 karta.

Samantala, pakay naman ng Green Archers na masolo ang unahan sa pagsagupa sa Red Warriors.

Kasalo ng La Salle sa top spot ang Season 86 runner-up University of the Philippines tangan ang 6-1 marka.

Sasandalan ng Green Archers si reigning MVP Kevin Quiambao na na­nguna sa tatlong indivi­dual statistics pagkatapos ng first round.

Poposasan ng Red Warriors si Quiambao.

Show comments