2-0 hinataw ng Lady Spikers

MANILA, Philippines — Pinalo ng De La Salle University ang malinis na dalawang panalo matapos pagulungin ang Letran College, 25-7, 25-21, 22-25, 25-15, sa 2024 Shakey’s Super League collegiate preseason championship kahapon sa Rizal Memorial Coliseum.

Kinapitan ng La Salle sa opensa si Angel Canino para ilista ang 2-0 karta at manatiling nasa tuktok ng Pool C sa event na suportado ng Shakey’s Pizza Parlor, GCash, Chery Tiggo, F2 Logistics, Peri-Peri Charcoal Chicken, Potato Corner, R and B Milk Tea at Summit Water.

Inirehistro ni Canino ang 15 points mula sa 11 attacks at tig-dalawang blocks at service aces pa­ra sa Lady Spikers na ipinalsap sa Lady Knights ang pangalawang talo sa tatlong laro.

Tatangkain ng La Salle na sikwatin ang playoff slot sa pagharap sa Jose Rizal University bukas.

Uusad sa susunod na phase ang top teams sa ba­wat Pool at pagkatapos ay hahatiin sa dalawa para maglaban sa round robin.

Samantala, wagi ang nagdedepensang National University Lady Bulldogs sa Emilio Aguinaldo College Lady Ge­nerals, 25-15, 25-7, 25-13,

Kasalo ng Lady Bulldogs sa tuktok ng Pool A na may tig 2-0 baraha ang Arellano University Lady Chiefs.

Show comments