Tight BPC race
Lumusot lang sa finals ang San Miguel Beer, in the bag na ang isa pang Best Player of the Conference trophy para kay June Mar Fajardo. Runaway leader sa stats race si JMF sa pagtatapos ng elimination round. At lalo pang tumatag ang kanyang standing sa pag-deliver ng halimaw na 40-20 game (40 points, 24 rebounds) sa kanilang do-or-die showdown kontra Converge FiberXers sa quarterfinals.
Hindi umabot sa semis ang kanyang mga closest rivals na sina Robert Bolick ng NLEX at Arvin Tolentino ng NorthPort.
Ang naiwang puwedeng magbigay ng challenge eh, ang kanyang SMB teammate na si CJ Perez at Ginebra stalwart Japeth Aguilar.
Mas exciting ang karera para sa Best Import award.
Malamang na kung sino ang umabot sa finals eh, siyang matitirang matibay na magkalaban sa balloting.
Neck-and-neck sina Rondae Hollis-Jefferson ng TNT, Justin Brownlee ng Ginebra at Aaron Fuller ng Rain or Shine.
Deserving din maging kandidato si EJ Anosike ng San Miguel Beer. Ang bitbitin niyang malaki eh, ang limited games na nilaro bilang import sub lang.
Pawang buong conference ang inilaro nina RHJ, Brownlee at Fuller. At pawang instrumental ang tatlo sa pagtungtong sa Last Four ng kanilang mga teams.
Lamang pa rin siguro sa numero si RHJ.
Pero tabla-tabla lang ang lahat kung pagbabasehan ang effectivity nila sa kanilang koponan.
Kaya’t mukhang balloting ang magdedetermina ng laban sa kahulihan.
Swak kahit sino!
- Latest