^

PM Sports

UAAP magbibigay-daan para sa Gilas Pilipinas

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pansamantalang titigil ang University Athletic As­sociation of the Philippines (UAAP) basketball tournament upang big­yang-daan ang kampanya ng Gilas Pilipinas sa FIBA Asia Cup Qualifiers na ga­ganapin sa Nobyembre.

Nakatakdang uma­rang­kada ang Gilas Pilipi­nas ng dalawang beses sa qualifiers.

Una na ang pagsabak nito kontra sa New Zealand sa Nobyembre 21 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Kasunod nito ang la­ban ng mga Pinoy cagers kontra naman sa Hong Kong sa Nobyembre 24 sa parehong venue.

Pinakahuling laro sa UAAP sa Nobyembre 16 sa men’s at women’s divisions para bigyang-daan ang qualifiers.

Ililipat ang mga nalala­bing laro sa second round sa Nobyembre 23.

Wala pang petsa kung kailan lalaruin ang Final Four ng UAAP.

Bahagi si reigning MVP Kevin Quiambao ng De La Salle University ng Gilas Pilipinas lineup.

Subalit wala pang anun­siyo ang pamunuan ng La Salle o ang Sama­hang Basketbol ng Pilipi­nas kung maglalaro si Quiambao sa qualifiers.

Matikas ang inilalaro ni Quaimbao sa UAAP.

Nangunguna ito sa MVP race matapos mag­ta­la ng 87.57statistical points.

Pumapangalawa si JD Cagulangan ng University of the Philippines na may malayong 77.0, habang ikatlo naman si La Salle standout Mike Phillips na may 72.14.

Desidido si Quiambao na tulungan ang La Salle na madepensahan ang ko­rona nito.

“Coming into this se­cond round, we’re going to focus on our next game. We’re going to enjoy this win tonight but it’s back to zero tomorrow,” ani Quiambao.

UAAP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with