PALM DESERT, Calif.-- Inilista ng mag-amang sina LeBron at Bronny James, Jr. ang kanilang mga pangalan sa NBA history bilang unang father-son duo na naglaro sa isang NBA game.
Sa kabila ng 114-118 pagkatalo ng Los Angeles Lakers sa Phoenix Suns sa pre-season game ay nagdulot pa rin ng kasabikan ang sabay ng paglalaro ng 39-anyos na si James at ng 20-anyos na si Bronny sa pagsisimula ng second quarter.
“For a father, it means everything,” ani James. “For someone who didn’t have that growing up, to be able to have that influence on your kids and have influence on your son. Be able to have moments with your son. And ultimately, to be able to work with your son. I think that’s one of the greatest things that a father can ever hope for, or wish for.”
Naglista si LeBron ng 19 points, 5 rebounds at 4 assists sa loob ng 16 minuto at hindi na nagbalik sa second half.
Wala namang naiskor si Bronny sa 13 minuto niya sa court, ngunit nakapaglista ng dalawang rebounds.
Nagdagdag si Anthony Davis ng 17 markers sa kanyang pre-season debut para sa Lakers.
Pinamunuan ni Josh Okogie ang lima pang Suns na nagposte ng double figures sa kanyang 15 points.