Lisensya ni Amores babawiin ng GAB

MANILA, Philippines — Posibleng kanselahin ng Games and Amusement Board (GAB) ang li­sensya ni PBA player John Amores dahil sa ki­nasangkutan nitong sho­oting incident.

Ngunit ayon kay GAB Chairperson Atty. Francisco Rivera, hihintayin muna nila ang isinasagawang imbestigasyon ng PBA sa NorthPort guard.

“The investigation could potentially involve his expulsion from the league,” wika ni Rivera kahapon sa pagdinig ng Se­nate Subcommittee on Finance ukol sa budget ng GAB.

“Once that’s done, the Games and Amusement Board could, as a result, cancel his registration with us.”

Pinagbabaril ni Amo­res ang nakaaway sa isang pickup game sa Lumban, Laguna.

Kinabusakan ay su­mu­ko siya kasama ang ka­patid at kinasuhan ng attempted homicide.

Kaagad ding nakalaya ang mag-utol na Amores matapos magpiyansa.

 

Show comments