Muntik makasilat
Maaaring parang nag-champion na rin ang pakiramdam ng Converge FiberXers organization sa klase ng laban na naibigay nila kontra San Miguel Beer sa kanilang PBA Governors’ Cup quarterfinals matchup.
Lopsided series ang inaasahan pero kinailangan magpiga nang husto ng San Miguel Beer sa do-or-die game upang maisalba ang serye at makarating sa semifinals.
Nagdugo nang husto ang mga Beermen, at kinailangang sumandal sa 40-point, 24-rebound performance ni June Mar Fajardo upang maiwasan ang nagbabadyang malaking upset.
Sa pagtatapos ng serye, mahirap malaman sa hitsura ng mga personalidad kung sino ang nanalo.
Dahil taas noo ang mga FiberXers, at mayroon ding ngiti sa kanilang mga mukha.
Banaad na nasa kanilang isipan: “Muntik na kayo, no…. Hehehe.”
At nakakabilib naman talaga ang ipinakita nina coach Franco Atienza at ang kanyang koponan, partikular sina Alec Stockton, Bryan Santos, Schonny Winston, Justin Arana at Alex Cabagnot.
Ang nipis at ang liit ng kanilang rotation, pero nagawa nilang panerbiyosin sina coach Jorge Gallent at Beermen.
Konting karagdagan na materyales pa at lalaban na talaga siguro ang koponan ni team owner Dennis Uy.
Magandang abangan ang pagdating ng kanilang top draft selection na si Balti Baltazar na tinatapos pa ang kasalukuyang MPBL season.
- Latest